Musings about Somethings

Comments: (0)

Little Miss Philippines and Mr. Dream Boy soon-to-be contestants could add up other
choices and alternative in answering the ever famous line (enter Joey and Vic tandem) “Anong gusto mong maging paglaki mo.”

Instead of the overused responses such as a Doctor, a Nurse, an Engineer, a Lawyer… now they could proudly quip and confidently reply…

“Kapag malaki na po ako... ay.. gusto kong maging Manikurista!”

or even…

“Ako po, pag lumaki ako, gusto kong maging Hardinero!”

Whatever happens to our dearest ‘Inang Bayan’? Sigh.

***

Been trying to come up with something to write and tackle upon for this past few days. However, I wasn’t fortunate enough to have something and with only the blank paper and an unused pen to show for. All I had were myriads of ideas inside my cranium that doesn’t find itself into their fruition.

And yes, I still do my drafts in a piece of paper. Well, until such time that I have other means and alternative at hand.

Up until now, I still have those ideas waiting to be realized.

***

Still waiting for an update regarding our work and employment status. They say patience is a virtue, I say they can be found in hospitals. Har har har…

It’s very frustrating being at the mercy of someone else’s decision. And its even more disappointing not being appreciated for your presence and for a job well done. Well, I’ve heard it a thousand times, and indeed, life ain’t fair.

***

In a jeepney ride going to Quiapo, there’s an elderly woman and a young lady who are sharing the trip.

The youthful lass started picking her nose –unmindful of others.

Then the old lady inquired…

“Iha anong kinukuha mo?”

To which the lass, who is dressed up with all white uniform, immediately and confidently answered “Ah eh Nursing po!” matching with a beaming smile.

“Oh, ok… akala ko kulangot…” the elderly answered back.

***

Edwin Valero of Venezuela, boxing’s knockout artist, met his tragic demise few days ago. Inside the ring he amassed 27 victories, all within the distance –knockouts.

Last April 18, he stabbed his wife to death inside their hotel room and went to the reception to inform the attendant about the incident. He was arrested few hours later and was taken under custody.

Then, within less than 24 hours interval, on April 19, Edwin Valero, the promising boxer lined-up to do battle with Manny Pacquiao, hanged himself using his clothe inside his prison cell where he was detained.

It was later divulged that Valero has been battling alcohol and even drug addiction. Paranoia and hallucinations were common effects that were observed by those who are closed to him.

Dreadful ending to a promising pugilist. Indeed, his story, among many others before, proves that drugs and excessive vices won’t do anyone good.

May they rest in peace.

***

Taga-rito Ako!

Comments: (0)

Naaalala ko...

Kapit-bahay namin noong bata pa ako ang nagmulat sa akin kung paano maging Taga-Barangay. Basketball aficionado na noon pa si Tatay pero madalas na naririnig ko sa kanya ay ang koponan na San Miguel Beer.

Nilalaro ko ang mga tuta noon sa bagong kapapanganak na aso ng kapit-bahay, nang marinig ko ang bulyawan at at ingay sa loob ng sala nila. Sa musmos na pag-iisip nagtaka ako at sumilip sa bintana nila. Mataman silang nasa harap ng TV, maya't-maya ay biglang sisigaw tapos tatahimik. Ibinaling ko ang pansin ko sa pinapanood nila –Basketball. Pinagmasdan kong maigi ang naglalaro Ginebra at San Miguel. Uyy, team yun ni Tatay 'ika ko kung kaya't nagtyagang nakatanghod sa bintana at sinubaybayan narin ang laro, di ko napansin na bitbit ko parin ang tuta sa aking kamay samantalang nakamasid sa akin ang kapapanganak na aso.Nakangisi –ngising aso. Inilapag at ibinalik ko muna ang tuta sa kanyang lugar sabay balik sa panunuod.

Fourth quarter na raw, iyon ang naririnig ko sa loob. 'Di ko pa naman kasi masyado alam kung anu ang mga detalye ng laro. Pero lamang ang San Miguel ng 7 at malapit ng mag-last two minutes. Natutuwa ako dahil mukhang mananalo ang team ni Tatay, panigurado ako nanunuod yun habang break-time nya sa trabaho at pagdating eh todo kwento.

Pero bakit mukang aburido at nakasimangot mga nasa loob? At sa bawat magandang play ng SMB eh nasigaw sila tulad ng "T@#$%# mo, bakit mo iniwan si Caidic sa labas? Sunog ka na sa Tres!!!" "Ay b0B0, anong klaseng tira yan Victorino? Tirang takot?!!!" At dun ko napagtanto na sa kabilang team pala sila kampi, sa Ginebra.

Subalit ng biglang may pumasok na player eh tila napabuntung-hininga silang lahat. "Ayan nga dapat maglaro kana!!!" bulyaw ng isa. Lamang parin ng 6 ang SMB at sobrang isang-minuto na lang ang natitira sa game. Nagulat ako ng biglang umugong ang TV ng kapit-bahay! "Jaworski! Jaworski! Jaworski!" yun ang sigaw ng mga nagdedeliryong fans samantalang todo palakpak naman ang mga nanunuod sa sala.

"Jaworski bringing down the ball with the nifty behind the back to elude his defender. A screen was given by Cabatu at the top of the arc. Jaworski fired for threeeee!!! It is in… the shot went in!!! "Jaworski Three Points!" The lead is down to 3, 58 seconds remaining SMB seems rattled as Calma took the ballhandling chore, passed it to Samboy, back to Calma… Aggressive defense showed by Ginebra backcourt but Calma was able to fight through it and passed the ball to Caidic in the corner for the howitzer, ooohhh….. Swish, nothing but net!!! SMB's lead back to 6. Jaworski was furious to a certain player for leaving Allan open for that shot… Time-out Ginebra!"

Ang mga sumunod na pangyayari ay medyo 'di ko na natandaan. In the end tumiklop ang Ginebra sa larong iyon. Pero ang 'di ko makalimutan ay ang sigawan ng mga taong nanood sa game… Napaka-passionate nila sa pagsuporta, at kahit natalo ang Ginebra marami paring fans ang naghintay sa hardcourt para makapagpapirma ng autograph. Samantalang ang atmosphere sa loob ng tahanan ng aming kapit-bahay ay napaka-energetic. Tapos na ang game, pero sila nagtatalo parin sa mga napanood nila na si ganito dapat ganoon ang ginawa at si ganyan ay dapat ganito ang play na pinatakbo.

Simula noon, dugong Ginebra na ang dumadaloy sa aking pagkatao. Sa mura kong isipan naitanim sa akin kung paano magmahal, sumuporta at umidolo sa isang koponan. 'Di hadlang ang ilang sunod-sunod na talo upang maibsan ang pagsubaybay, dumating at lumipas man ang mga manlalaro mananatiling naka-tatak sa isip at puso ang walang-humpay na pag-idolo.

Kapagkuwa'y nanumbalik ang aking ulirat, masyado yata akong na-hypnotized ng aking nasaksihan sa nasabing laro. Nagbuntong-hininga ako, bumalik sa nilalarong mga tutang aso… pumili ako ng isa, yung mukhang matapang at may angas na tuta.. Winika ko sa sarili ko "…ikaw, ang ipapangalan ko sa'yo… Jawo!" Arrf, arrfff sagot ng tuta.. nyahahahahaha!

Be Happy V.3

Comments: (1)

From thereon, nakapag-simula ako ng panibagong tahakin. Naging parte na ng routine ko as college student ang pagreport at pagpasok ng duty bilang isang Service Crew. Initially, naka-line-up ako sa “Grill Station” but later on was instead assigned as ‘Dining Staff’.

Sa sarili kong experience, parang mas maganda ngang maassign sa Dining station. Hindi ka mabuburyo since makaka-interact at makaksalimuha mo yung mga customers. And they come from small and big packages and ultimately from all walks of life. Bawat araw may bagong kwento, at sa bawat kwento may mga experiences, realizations, lessons at laughing trip -pero mas madalas ang tawanan. Lalo na pag successful sa pagba-buss out ng Champ, tapos pa-tagong lalamunin at paghahati-hatian sa kung saan.

***

Marami kami sa batch namin. Sabay-sabay kaming lumarga para mag-complete ng Medical. Sabay tumungo sa Minisipyo para kumuha at magprocess ng Police Clearance, ganun narin ang pagkuha ng SSS Number. Masaya. Kasi lahat ng experiences bago.

Umusad ang buwan. Nagkapalagayan na kaming lahat sa branch kung saan kami pumapasok. Maging si ‘in-charge’ nakakabiruan na namin. Pati nga rin ung masungit na Management Trainee at mayabang na SM eh nagagawa na naming kakwentuhan.

Sobrang daming new experiences ang ‘di ko malilimutan habang suot-suot ang uniporme bilang crew ng Dyabili. Talaga nga naman. Ang nakakalungkot lang ay yung time na karamihan sa amin na-endo. Pagkatapos mapagsaluhan yung maggandang camaraderie (bed na maraming surot kaya kadiri = camaraderie) darating at darating yung time na maghihiwalay mag kakanya-kanya ng landas. Applicable nga ata sa lahat itong ganitong scenario. At paglipas ng araw at taon, magkakalimutan. Saan na kaya sila?

***

Tapos nung minsan naman, pagkababa ko galing sa 2nd Floor ng outlet, nasipat kong may matatangkad na nilalang na nakapila sa cashier. Sa get-up nila mga basketbolero ang mga ito. Nagkunwari akong kukuha ng dining trays sa loob ng cashier at yun nga’t naconfirm yung hinala ko.

Si ‘The Saint” (during his collegiate days!) or “The Fearless” (his most recent nickname, ampfness... nakalimutan ko yung tamang term!) tagging along with “Kid Lightning”.

Yun nga lang ako lang ata nakakakilala sa kanila. Marahil dahil nasa UE-PBL palang sila during that time. Pati ung mga kasama ko at si manong guard ‘di kilala eh. Nadyahe naman akong lapitan at magpa-autograph. Kakahiya kasi busy sa pag-tira ng Sundae ‘yong dalawa. (‘Sunday Special’?)

***

May isang insidente na kailangan kong pakisamahan yung isang lasing na kustomer. Amoy alak pa, pero nagkusa akong lapitan nalang s’ya upang matigil ang pambubunganga nya. Tinanong ko kung anong order nya.

“Tatlong Gin bilog!” sabi nito. “Saka paluto narin ng pinapaitan –pampulutan, p’re!” pahabol nito. Malakas tama nito, wika ko. Kung kaya’t mahinahon ko nalang kinausap ng kung anu-ano. Sabi ko, “alam mo yung babaeng maganda lilipad ng pito, tapos yung baso magiging karpintero. Si Pedring galing ng Miyerkules at yung kamote nagdrwawing ng Umakbay pa sya at pabulong na nagkwento. Oo lang ako ng oo, amoy ko yung alingasaw ng gin sa bawat paghinga nya. After few minutes eh nakumbinsi ko sya’ng umorder ng Spicy Chicken pati na rin softdrinks. Papadagdagan ko ng yelo at ng magising ang diwa.

Kung anu-anong iniabot na pambayad, ticket sa bus, balat ng kendi at pati narin panyo. Pero nung tumama naman eh tig-iisang libo ang binibigay. Hahaha, kung kaya ako na ang kumuha sa lukot-lukot nyang pera ng pambayad.

Iniwan ko s’yang ngumunguya ng chicken. “Isa pa, isa pang chicken joy!” ang litanya. Pero mahinahon na sya. Maya’t-maya, after few minutes eh lumabas ito ng store, nakasalubong ko pa, ‘di nya ako nakilala or namukhaan hahaha, obvious naman –tanggal ng amats n’ya.

(may kasunod pa… last na!)

Parang Sugat na Pahilom

Comments: (1)

Masarap kamutin…

Ganyan nga ata ako ka-excited sa pagba-blog. (Note: hindi po yan pagdadabog, katunog lang!) Parang ang daming pwedeng isulat, ang daming pwedeng i-kwento at ang daming lamok sa accommodation namin!

With the presence of World Wide Web thru Internet the topics are seemingly endless.
Magsipag lang sa page-search and cross-reference ng mga informations and details for sure may maganda (at sana matino na rin) ng entry.

Kani-kanina lang napadaan ako sa forum ng Pex, may nabasa akong thread. Hala hagalpak ako sa kakatawa. Pigil na nga me pumupuslit paring tunog. ‘Pag may nakakita sa akin malamang magtataka –magsususpetsa. Interesting and hilarious yung topic. I immediately bookmarked the thread for future reference. Gusto ko nga sanang magsulat na patungkol dito pero I decided against it since it would require time and proper composition (may ganun-ganun pang nalalaman!) Sa mga susunod na entry na lang.

Basta, once I have all the means and resources I’ll make sure that I’ll be updating this Blog inasmuch as I can.

Siguro ang madalang na makikita at mababasa dito sa espasyo ko eh topics regarding Politics and Religion. Ewan ko ba, sadyang ‘di ako ka-at ease sa pakikipaghuntahan pag ‘yang dalawang yan na ang issue. Hindi rin naman sa wala akong alam pero marahil dahil nasa genetic framework ko na lang na maging allergic sa usaping patungkol dito.

Other than those two, lahat na pwede. Siguro makakarelate na ako ng may sense. At sana may maging kabalitaktakan ako (hindi ajinomoto!) Sana may makaaway din ako, sana may mautangan na rin para masaya.

… pero ‘wag mo na lang pagtripang kutkutin, sige ka magiging malaking bakokang yan!

Fresh Start

Comments: (1)

Ayan at nakapag-simula na nga ako at nag-create na ng sariling blog.

Hindi ko alam kung tama nga ba ang desisyon ko, baka naman mag-ningas cogon lang ako and later on mag-decide na ‘wag nang ipagpatuloy ang pagsusulat dito. Hopefully hindi.

Sana maging indefatigable worker ako! Wahahaha, naalala ko, yan yung binigay at inassign na ‘tag/label’ sakin noong JS Prom. 3rd Year high school noon yun!

Owsss… ‘di nga? Accurate and appropriate naman daw ba? Malay ko, basta ang alam ko eh masipag akong magdilig ng mga tanim na halaman sa area na toka naming alagaan. Group 4 ata kami noon. Yun nga lang may nagnenenok ng mga container namin na pang-igib at pandilig haha.

Hala, naligaw na yung kwento, going back bale ‘yon nga’t sana maipagpatuloy ko ang nasimulan kong ito. Ang bagong tahakin… at bagong pagkakaabalahan. Bukod sa Court Rivals (free ad). Hahaha, magre-react na naman si ‘Dude’ ko ngay! Wahahaha!

Anyway, highway… panigurado ako… Mabubusog ng kwento ‘tong kawawang espasyo ko sa internet. Marami pa naman akong bala. Araw-araw may bago. I’ll give myself atleast a motnh para pakiramdaman kung ma-sustain ko nga ba ang pagsusulat.

Ah basta, ang alam ko excited ako. Skeleton pa nga lang ang apperance ng blogspot ko pero along the way, as time goes by… then sun and the moon will meet eye to eye? Nyak, me ganun (Mr. Fu? Or Inday Badiday) Basta, maisasaayos ko rin tong aba kong espasyo…

Wish me luck, and I needed all that I can gather.


Be Happy V.2

Comments: (1)

Pagkatapos kong mag-impromptu bilang Martin Nievera ayon at isinadlak ako ni ‘in-charge’ sa may entrance. Pinakilala nya ako kay manong guard. “Kamusta po!” yun na lamang ang binigkas ko, may hang-over pa ako sa naudlot kong konsyierto. Akala ko hihingi ng autograph si manong yun pala aakyin ako sa pwesto ko.

Specific ang instruction na iniwan sa kanya ni ‘in-charge’. Atleast 50 katao ang i-welcome ko para mag-succeed sa stage na ito. Uhm, ‘di naman kalakasan ang loob ko, mahiyain ako sa totoong buhay. Kaya medyo daunting task ito para sa akin. Magkagayunman, ano ba naman ang simpleng pagbigkas ng pasasalamat sa pagbisita sa establishment na pinapasukan ko diba?

Unang customer. Wala pa akong lakas ng loob. ‘Di ako nakapagsalita. Tingin sa akin si manong guard. Ngiwi ako. Ayan, may sumunod na customer, ehem.. “Good Morning Ma’am…” Tumango si manong.

Wala pang pumasok ulit, pero marami-rami na ang lumabas na customer. Nag-aparisyon bigla si ‘in-charge’ ni-remind ako na pati yung mga lumalabas eh customer parin daw ang tawag dun. Ibig sabihin, required parin akong i-greet sila… Hihirit sana ako, “… sabi mo i-welcome, paano mo i-we-welcome yung taong paalis na?” pero hindi na lang, sa husgado ko na lang i-reserve ang pagtatanung ko. Mahirap na, ‘di pa man ako nagsisimula terminated na ako.

“Yes, Ma’am” sabi ko sa clarification nya. Nag-iisip ako paanong diskarte ang gagawin ko. May mga ilan ng nauna sa akin sa orientation pero wala naman ako idea sa kung paano nila nilusutan ang stage na ito. Bahala na nga.

Isang customer na pumasok. “Good morning Sir! Welcome to Dyabili!” Atlast, napangiti ko rin si ‘in-charge’. Mukhang nadale ko. Pero may bumati ulit, beteranang staff, dun sa binati kong customer sa ngayon ay nasa dining area na , “Hello Ma’am, welcome to dyabili ‘Be Happy’!” Tinugunan naman sya ng simpleng tango ng customer. Bakit kaya sa akin ‘di nagbigay ng acknowledgement? Kulang ng ‘Be Happy’? Baka nga. Pero na-realize ko, taas-noo at bigay todong “Good morning Sir!” pala ang greetings ko… At pagdating dun sa isang bumati “Good morning Ma’am!” Nyahahaha, pasensya naman… pero totoo mukhang lalaki eh, kamuka nga ni Tado with all the long hairdo. Malay ko ba?

And from thereon naging komportable na ako sa pag-greet. Nagkakatuwaan pa kami ni manong. Unahan kami sa pag-greet pag chicks ang e-exit o e-enter sa pinto. (Tapos press simultaneously AB, AB, AB three times, ayan 30 lives na sa Contra wahahaha) At sa pang-ika-limampung customer ko, nagkenkoy ako…

Kuntodo greet ako ng “Good morning ma’am, welcome to dyabili, Be Happy!!!” sabay muestra ng hand-signal made famous by Doc Aga (actually sign language s’ya for the blind). Bukod dun ginawan ko pa ng sarili kong version, pagkatapos ng ikot-ikot ng kamay eh sabay tapik sa noo and then hirit pa ng isang mala-agogo dancer na sayaw while rolling by the ocean-rolling by the sea yung kamay ko (ewan ko kung nakukuha mo yung visual effects ng description ko, bahala ka na!)

May halong triumph at relief yung last na greeting ko kaya siguro napasobra at nagka-dance step pa. Natawa tuloy si ‘in-charge’ na mataman palang nagmamasid. Si manong hagalpak, “Loko ka, makita ka nung manager!”. Hagalpak ulit. At huwag ka, pati si miss dimple na last customer na gri-neet ko napangiti. Whew, pamatay talaga yung dimples nya, ‘di ko makalimutan hanggang ngayon… ang lalalim kasi, perfectly made yung dimple nya –sa noo!


abp.04/11/2010.3pm

(to be continued)

Be Happy V.1

Comments: (1)

Aba walong taon na pala ang nakaraan since 2002. Ehem, obyus ba? Pasensya naman at sadyang salat tayo sa mathematical aptitude.

Biglang napabalik-tanaw ako.

Unang araw ko sa part-time job na pinasukan ko.
Kailangan dahil medyo kinukulang ang pantustos sa pag-aaral ko. Nasa 3rd year college na ako nun. Kaya nagkusa na akong mag-attempt na mag-trabaho. Actually, noon ko pa balak kaya lang eh wala akong lakas ng loob para subukan. Pero in consideration of the circumstances, mas nabigyan ako ng dahilan para pasukin ang mundo bilang isang working student.

Pinatayo ako sa loob ng preparation area. Confuse ako sa kung anong meron. Akala ko lalagyan ng mansanas ang tuktok ng ulo ko, tapos biglang eentrada si manong with bente-nueve or si kuya na may ayspik, isama mo narin si Kenshin na may Samurai -tatargetin yung epol. Guni-guni ko lang pala.

Plain white t-shirt at black slacks ang get-up. Biglang lumapit yung in-charge, ini-introduce ako sa mga naroroon na abala sa kanya-kanyang tokang gawain. Sulyap na lang ang ibinato nila at pagtango bilang acknowledgement. Pagkawari ko yun na yun, ng biglang sinambit ng in-charge na “Sige, simulan mo ng i-entertain sila!”

Akala ko sa frat at orgs (si Shrek?) lang may initiation. Pati pala sa ganitong aspeto meron din. Napalunok ako. Aprang mahirap huminga, simpleng inhale-exhale na routine eh naging parang pagdumi ng tubol singlaki ng braso. Nag-ngingisian yung iba, ramdam nila yung kaba ko. Pati kaya yung pagpipigil ko ng ihi ramdam nila? Nawika ko na lang sa sarili ko, alangan namang mag-sasasayaw ako dito ng pandanggo sa ilaw o kaya tinikling ng mga tukling. Kaya isang malalim na buntong-hininga na lang ang naibulalas ko at nakapagpasya akong kumanta na lang. Sus, wala naman sila magagawa sintunado man ang tono ko. Ang takot ko lang baka pag masagwa ang delivery ko eh batuhin ako ng isa sa mga ‘patty’ na preni-prepare nila. ‘Ah, no worries’, sabi ko. Sasaluhin ko na lang, o di kaya ay ibuka ko na lang ng malaki yung bunganga ko para shoot kaagad, eh di libre na ako for lunch. Ehem, ehem…

“The strands in your eyes that color them wonderful stop me and steal my breath.
And emeralds from mountains thrust toward the sky never revealing their depth.
Tell me that we belong together, dress it up with the trappings of love.
I'll be captivated,
I'll hang from your lips,
Instead of the gallows of heartache that hang from above.”

Akmang bibirit na ako ng chorus nang may tumapik sa balikat ko. Si in-charge, nagmumuwestra. Tama na daw, next part na raw ng orientation/familiarization program ko. Sayang, nakapikit pa naman na akong kumakanta.

Pakiramdam ko akin ang mundo, pakiramdam ko walang ibang tao. Sa simpleng pagpikit napagtanto ko, kahit sino pwedeng maging ako. Kahit ano, pwedeng maging totoo.


Naputol ang First Big Concert ko, ‘di naman halatang na-carried away ako… “Tenchu!” sabi ko na lang. May ilan na nagbigay at nagsukli ng mga ngiti, may isa nga pumalakpak pa bago ako tumalikod at sundan si in-charge. Natuwa ako. Pero saglit lamang ito, ‘pagkat ng muli kong sipatin ng tingin ung pumalakpak, ayun at humahagikgik. Palakpak palang sarkastiko. Pero okay lang, atleast tapos ko na yung unang stage. Mag-level up na ako. Sana along the way, makahanap ako ng 1-Up. Additional life, hehe.