Be Happy V.1

Aba walong taon na pala ang nakaraan since 2002. Ehem, obyus ba? Pasensya naman at sadyang salat tayo sa mathematical aptitude.

Biglang napabalik-tanaw ako.

Unang araw ko sa part-time job na pinasukan ko.
Kailangan dahil medyo kinukulang ang pantustos sa pag-aaral ko. Nasa 3rd year college na ako nun. Kaya nagkusa na akong mag-attempt na mag-trabaho. Actually, noon ko pa balak kaya lang eh wala akong lakas ng loob para subukan. Pero in consideration of the circumstances, mas nabigyan ako ng dahilan para pasukin ang mundo bilang isang working student.

Pinatayo ako sa loob ng preparation area. Confuse ako sa kung anong meron. Akala ko lalagyan ng mansanas ang tuktok ng ulo ko, tapos biglang eentrada si manong with bente-nueve or si kuya na may ayspik, isama mo narin si Kenshin na may Samurai -tatargetin yung epol. Guni-guni ko lang pala.

Plain white t-shirt at black slacks ang get-up. Biglang lumapit yung in-charge, ini-introduce ako sa mga naroroon na abala sa kanya-kanyang tokang gawain. Sulyap na lang ang ibinato nila at pagtango bilang acknowledgement. Pagkawari ko yun na yun, ng biglang sinambit ng in-charge na “Sige, simulan mo ng i-entertain sila!”

Akala ko sa frat at orgs (si Shrek?) lang may initiation. Pati pala sa ganitong aspeto meron din. Napalunok ako. Aprang mahirap huminga, simpleng inhale-exhale na routine eh naging parang pagdumi ng tubol singlaki ng braso. Nag-ngingisian yung iba, ramdam nila yung kaba ko. Pati kaya yung pagpipigil ko ng ihi ramdam nila? Nawika ko na lang sa sarili ko, alangan namang mag-sasasayaw ako dito ng pandanggo sa ilaw o kaya tinikling ng mga tukling. Kaya isang malalim na buntong-hininga na lang ang naibulalas ko at nakapagpasya akong kumanta na lang. Sus, wala naman sila magagawa sintunado man ang tono ko. Ang takot ko lang baka pag masagwa ang delivery ko eh batuhin ako ng isa sa mga ‘patty’ na preni-prepare nila. ‘Ah, no worries’, sabi ko. Sasaluhin ko na lang, o di kaya ay ibuka ko na lang ng malaki yung bunganga ko para shoot kaagad, eh di libre na ako for lunch. Ehem, ehem…

“The strands in your eyes that color them wonderful stop me and steal my breath.
And emeralds from mountains thrust toward the sky never revealing their depth.
Tell me that we belong together, dress it up with the trappings of love.
I'll be captivated,
I'll hang from your lips,
Instead of the gallows of heartache that hang from above.”

Akmang bibirit na ako ng chorus nang may tumapik sa balikat ko. Si in-charge, nagmumuwestra. Tama na daw, next part na raw ng orientation/familiarization program ko. Sayang, nakapikit pa naman na akong kumakanta.

Pakiramdam ko akin ang mundo, pakiramdam ko walang ibang tao. Sa simpleng pagpikit napagtanto ko, kahit sino pwedeng maging ako. Kahit ano, pwedeng maging totoo.


Naputol ang First Big Concert ko, ‘di naman halatang na-carried away ako… “Tenchu!” sabi ko na lang. May ilan na nagbigay at nagsukli ng mga ngiti, may isa nga pumalakpak pa bago ako tumalikod at sundan si in-charge. Natuwa ako. Pero saglit lamang ito, ‘pagkat ng muli kong sipatin ng tingin ung pumalakpak, ayun at humahagikgik. Palakpak palang sarkastiko. Pero okay lang, atleast tapos ko na yung unang stage. Mag-level up na ako. Sana along the way, makahanap ako ng 1-Up. Additional life, hehe.

1 Mga naiwang bakas:

Anonymous said...

heeeeeeeeeee..i love it kuya!!hahahaha as in pinakanta ka nla?..hahaha tlga lng ah mana tlga ako sau..yun nga lng ala ako tym gya ng gngwa mong pagsusulat ng mga ganito..hmp?..saya magbasa..hehe yun nlng pambawi ko huh?..kaw taga sulat at ako tga basa..

Post a Comment

Ehem... Pls. be kind to animals. But don't feed the trolls!