Be Happy V.2

Pagkatapos kong mag-impromptu bilang Martin Nievera ayon at isinadlak ako ni ‘in-charge’ sa may entrance. Pinakilala nya ako kay manong guard. “Kamusta po!” yun na lamang ang binigkas ko, may hang-over pa ako sa naudlot kong konsyierto. Akala ko hihingi ng autograph si manong yun pala aakyin ako sa pwesto ko.

Specific ang instruction na iniwan sa kanya ni ‘in-charge’. Atleast 50 katao ang i-welcome ko para mag-succeed sa stage na ito. Uhm, ‘di naman kalakasan ang loob ko, mahiyain ako sa totoong buhay. Kaya medyo daunting task ito para sa akin. Magkagayunman, ano ba naman ang simpleng pagbigkas ng pasasalamat sa pagbisita sa establishment na pinapasukan ko diba?

Unang customer. Wala pa akong lakas ng loob. ‘Di ako nakapagsalita. Tingin sa akin si manong guard. Ngiwi ako. Ayan, may sumunod na customer, ehem.. “Good Morning Ma’am…” Tumango si manong.

Wala pang pumasok ulit, pero marami-rami na ang lumabas na customer. Nag-aparisyon bigla si ‘in-charge’ ni-remind ako na pati yung mga lumalabas eh customer parin daw ang tawag dun. Ibig sabihin, required parin akong i-greet sila… Hihirit sana ako, “… sabi mo i-welcome, paano mo i-we-welcome yung taong paalis na?” pero hindi na lang, sa husgado ko na lang i-reserve ang pagtatanung ko. Mahirap na, ‘di pa man ako nagsisimula terminated na ako.

“Yes, Ma’am” sabi ko sa clarification nya. Nag-iisip ako paanong diskarte ang gagawin ko. May mga ilan ng nauna sa akin sa orientation pero wala naman ako idea sa kung paano nila nilusutan ang stage na ito. Bahala na nga.

Isang customer na pumasok. “Good morning Sir! Welcome to Dyabili!” Atlast, napangiti ko rin si ‘in-charge’. Mukhang nadale ko. Pero may bumati ulit, beteranang staff, dun sa binati kong customer sa ngayon ay nasa dining area na , “Hello Ma’am, welcome to dyabili ‘Be Happy’!” Tinugunan naman sya ng simpleng tango ng customer. Bakit kaya sa akin ‘di nagbigay ng acknowledgement? Kulang ng ‘Be Happy’? Baka nga. Pero na-realize ko, taas-noo at bigay todong “Good morning Sir!” pala ang greetings ko… At pagdating dun sa isang bumati “Good morning Ma’am!” Nyahahaha, pasensya naman… pero totoo mukhang lalaki eh, kamuka nga ni Tado with all the long hairdo. Malay ko ba?

And from thereon naging komportable na ako sa pag-greet. Nagkakatuwaan pa kami ni manong. Unahan kami sa pag-greet pag chicks ang e-exit o e-enter sa pinto. (Tapos press simultaneously AB, AB, AB three times, ayan 30 lives na sa Contra wahahaha) At sa pang-ika-limampung customer ko, nagkenkoy ako…

Kuntodo greet ako ng “Good morning ma’am, welcome to dyabili, Be Happy!!!” sabay muestra ng hand-signal made famous by Doc Aga (actually sign language s’ya for the blind). Bukod dun ginawan ko pa ng sarili kong version, pagkatapos ng ikot-ikot ng kamay eh sabay tapik sa noo and then hirit pa ng isang mala-agogo dancer na sayaw while rolling by the ocean-rolling by the sea yung kamay ko (ewan ko kung nakukuha mo yung visual effects ng description ko, bahala ka na!)

May halong triumph at relief yung last na greeting ko kaya siguro napasobra at nagka-dance step pa. Natawa tuloy si ‘in-charge’ na mataman palang nagmamasid. Si manong hagalpak, “Loko ka, makita ka nung manager!”. Hagalpak ulit. At huwag ka, pati si miss dimple na last customer na gri-neet ko napangiti. Whew, pamatay talaga yung dimples nya, ‘di ko makalimutan hanggang ngayon… ang lalalim kasi, perfectly made yung dimple nya –sa noo!


abp.04/11/2010.3pm

(to be continued)

1 Mga naiwang bakas:

Anonymous said...

hahaha talagang gnwa mo un?...d lng pla papaya ang alm mo huh?..

Post a Comment

Ehem... Pls. be kind to animals. But don't feed the trolls!