Be Happy V.3

From thereon, nakapag-simula ako ng panibagong tahakin. Naging parte na ng routine ko as college student ang pagreport at pagpasok ng duty bilang isang Service Crew. Initially, naka-line-up ako sa “Grill Station” but later on was instead assigned as ‘Dining Staff’.

Sa sarili kong experience, parang mas maganda ngang maassign sa Dining station. Hindi ka mabuburyo since makaka-interact at makaksalimuha mo yung mga customers. And they come from small and big packages and ultimately from all walks of life. Bawat araw may bagong kwento, at sa bawat kwento may mga experiences, realizations, lessons at laughing trip -pero mas madalas ang tawanan. Lalo na pag successful sa pagba-buss out ng Champ, tapos pa-tagong lalamunin at paghahati-hatian sa kung saan.

***

Marami kami sa batch namin. Sabay-sabay kaming lumarga para mag-complete ng Medical. Sabay tumungo sa Minisipyo para kumuha at magprocess ng Police Clearance, ganun narin ang pagkuha ng SSS Number. Masaya. Kasi lahat ng experiences bago.

Umusad ang buwan. Nagkapalagayan na kaming lahat sa branch kung saan kami pumapasok. Maging si ‘in-charge’ nakakabiruan na namin. Pati nga rin ung masungit na Management Trainee at mayabang na SM eh nagagawa na naming kakwentuhan.

Sobrang daming new experiences ang ‘di ko malilimutan habang suot-suot ang uniporme bilang crew ng Dyabili. Talaga nga naman. Ang nakakalungkot lang ay yung time na karamihan sa amin na-endo. Pagkatapos mapagsaluhan yung maggandang camaraderie (bed na maraming surot kaya kadiri = camaraderie) darating at darating yung time na maghihiwalay mag kakanya-kanya ng landas. Applicable nga ata sa lahat itong ganitong scenario. At paglipas ng araw at taon, magkakalimutan. Saan na kaya sila?

***

Tapos nung minsan naman, pagkababa ko galing sa 2nd Floor ng outlet, nasipat kong may matatangkad na nilalang na nakapila sa cashier. Sa get-up nila mga basketbolero ang mga ito. Nagkunwari akong kukuha ng dining trays sa loob ng cashier at yun nga’t naconfirm yung hinala ko.

Si ‘The Saint” (during his collegiate days!) or “The Fearless” (his most recent nickname, ampfness... nakalimutan ko yung tamang term!) tagging along with “Kid Lightning”.

Yun nga lang ako lang ata nakakakilala sa kanila. Marahil dahil nasa UE-PBL palang sila during that time. Pati ung mga kasama ko at si manong guard ‘di kilala eh. Nadyahe naman akong lapitan at magpa-autograph. Kakahiya kasi busy sa pag-tira ng Sundae ‘yong dalawa. (‘Sunday Special’?)

***

May isang insidente na kailangan kong pakisamahan yung isang lasing na kustomer. Amoy alak pa, pero nagkusa akong lapitan nalang s’ya upang matigil ang pambubunganga nya. Tinanong ko kung anong order nya.

“Tatlong Gin bilog!” sabi nito. “Saka paluto narin ng pinapaitan –pampulutan, p’re!” pahabol nito. Malakas tama nito, wika ko. Kung kaya’t mahinahon ko nalang kinausap ng kung anu-ano. Sabi ko, “alam mo yung babaeng maganda lilipad ng pito, tapos yung baso magiging karpintero. Si Pedring galing ng Miyerkules at yung kamote nagdrwawing ng Umakbay pa sya at pabulong na nagkwento. Oo lang ako ng oo, amoy ko yung alingasaw ng gin sa bawat paghinga nya. After few minutes eh nakumbinsi ko sya’ng umorder ng Spicy Chicken pati na rin softdrinks. Papadagdagan ko ng yelo at ng magising ang diwa.

Kung anu-anong iniabot na pambayad, ticket sa bus, balat ng kendi at pati narin panyo. Pero nung tumama naman eh tig-iisang libo ang binibigay. Hahaha, kung kaya ako na ang kumuha sa lukot-lukot nyang pera ng pambayad.

Iniwan ko s’yang ngumunguya ng chicken. “Isa pa, isa pang chicken joy!” ang litanya. Pero mahinahon na sya. Maya’t-maya, after few minutes eh lumabas ito ng store, nakasalubong ko pa, ‘di nya ako nakilala or namukhaan hahaha, obvious naman –tanggal ng amats n’ya.

(may kasunod pa… last na!)

1 Mga naiwang bakas:

Anonymous said...

may ganun?..grabeng xperience nmn un?..sipag mo magkwento..jejeje

Post a Comment

Ehem... Pls. be kind to animals. But don't feed the trolls!